Tuesday, September 23, 2008

Samyo ng Makiling

Samyo ng Makiling

Sisilo't kumawala na parang isang paslit
sa sinapupunan mong dalit ay habag
Hahayo ako sa dahilig mong katawan
kakandong sa palad ng ulan.

Sisinghot sa yelong tunaw sa hangin
na kinusot mo ng punong umugat na sa limot

Sisigla ako't mangatatayo
sa lagapak
ng iyong tila burol na unan.


Ako'y samyuhin sa iyong sabakan
ihele mo ako sa lubid ng araw
At sa tutok ng gabi ako'y pagsarhan
ng haplos mo na tungkod sa lunangan.


*alay sa hiwaga ng bundok makiling at kay dalandan.
edge 9.23.08, LB

No comments: