Ano ang mapapala ng sangka-burokrasyahan at ng mga taong gubyerno sa pag-upo ni Sec. Ricardo Saludo sa Komisyon ng Serbisyo Sibil. Matatandaang mainit na tagasuporta, tagapagsalita at tagapagtanggol si Saludo ni GMA nang bumulaga ang mga anomalya sa Hello Garci!, Fertilizer Scam, at ZTE Deal. Kahit pa sabihing quasi-judicial body ang CSC, hindi maiaalis ang bias sa mga polisiya ng kanyang kasalukuyang amo at nag-appoint pa sa kanya. Nagbabadya rin ito ng dagok maging sa mga vocal at naninindigan na mga empleyado ng gubyerno tulad ng COURAGE, Health Alliance for Democracy at maging ng Alliance of Concerned Teachers sa pamamagitang ng panggigipit at persekusyon. Ang sistematikong pagkontrol ng mga kaalyado ni GMA sa mga sangay ng pamahalaan ay patunay ng kanyang pagkagahaman sa kapangyarihan at walang kawalan ng delicadeza sa mga mga mas karapat-dapat na mga career officials sa CSC. Eh kung tutuusin, hindi nga siya career official at pawang political appointments pa ang posisyon niya sa gubyerno, papano pa niya maiangat ang morale ng mga rank and file employees at third-level position personnel kung heto't ang mismong namamahala sa civil service ay hindi lubusang kwalipikado pero naging administrador. Slogan ng CSC, "Mamamayan muna, Hindi mamaya na!"....asa pa.
LINK: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=115689
Reference: abs-cbnnews.com
Monday, April 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment