Sa bawat pagsilang ng dilawang araw
Naroon nananahan ang damdamin
Marupok, mahina ngunit nangangapa
Sa tuwi-tuwina’y umuusbong, tumitingkad
Isang kaluluwang humahayo sa kawalan
Patuloy ang alimpuyo ng pusong walang pagsidlan
Anupa’t sa makinis na gitling ng animo’y dalanghita
Sumisiksik ang katas; umaalimbuyog; sumisikad
Sa paglaon ng mga saglit
Tanging guhit ng pag-asa ang sa puso’y naukit
Patuloy na humihikbi’t nagbabakasakali
Na sa dako roon di lulubog ang dalandaning sinag
*kinatha noong kalagitnaan ng taong 2007, sa isa sa mga silid sa La Ville habang lango ang isip sa ideya ng dalandaning araw...
Monday, January 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment